Mga Pagbanggit at Award

Nalampasan na ng LimeSurvey ang 1,500,000 download at ginagamit ito ng napakaraming pribadong tao, malalaking kumpanya, mga akademikong pasilidad, at mga institusyon ng pamahalaan sa buong mundo.

Sa page na ito, makikita mo ang ilan sa mga organisasyon na gumagamit ng LimeSurvey at sumusuporta sa kinabukasan ng LimeSurvey. Kung sa tingin mo ay dapat ilagay rito ang logo at pangalan mo, makipag-ugnayan sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..

Mga Pagbanggit

Pang-edukasyon

Tingnan ang aming pinagsama-samang listahan ng mga paaralan/unibersidad na gumagamit ng LimeSurvey.

Pamahalaan

"Ginamit ang LimeSurvey sa production sa Austrian Vorarlberg State Government. Puwedeng ikumpara ang LimeSurvey sa dalawa pang komersyal na tool na inaalok din sa merkado. Maikukumpara ang functionality at usability nito sa mga komersyal na produkto. Kaugnay ng accessibility, LimeSurvey lang ang tanging produkto na napatunayang may ganito."

Josef Schwar / Office of the Austrian Vorarlberg State Government

Ars Electronica

Mga Korporasyon

Habang nasa exhibition ang Ars Electronica, ginamit ang LimeSurvey para hingin ang opinyon ng mga bisita. Talagang nakatulong ang software para makuha ang feedback ng mga bisita tungkol sa Ars Electronica at pagkatapos ay tumugon sa feedback na ito.

Martin Honzik / Ars Electronica

Open Source

"Gumagamit ang OpenOffice.org ng LimeSurvey para isagawa ang mga poll nito. Ginawa na gamit ang LimeSurvey ang pagboto para sa version 3.0 splash screen, panawagan para sa magiging lokasyon ng OpenOffice.org Conference, at iba pang mahalagang survey. Para sa amin, isa itong propesyonal at madaling gamiting software na talagang nakakatugon sa aming mga pangangailangan. Okay na okay!"

Florian Effenberger / Marketing Project Co-Lead, OpenOffice.org

ubuntu

Open Source

"Sa LimeSurvey, nakakabuo kami ng komplikadong survey para sa komunidad gamit ang 100% libre (GPL) na software na may higit pang functionality kaysa sa nakita namin sa iba pang hindi libreng software para sa online survey. Mahigit sa 1000 tao ang tumugon sa survey sa unang araw nang walang problema."

Nicolas Barcet / Ubuntu Server Team

Open Source

"Kailangan namin ng one-time solution para gumawa ng maliit na internal na survey sa GNOME. Binigyan kami ng LimeSurvey ng madaling gamitin, madaling i-set up, at solusyong ganap na Libreng Software. Gumugol lang ako ng isang gabi para i-set up, idisenyo ang survey ko, at gamitin ang kanilang cute na naka-embed na template editor para ibagay ang survey sa aming site."

Behdad Esfahbod / GNOME Foundation

Aming mga Award

trophees_libre_2007_logo
Noong Disyembre 2007, napanalunan ng LimeSurvey ang Unang Premyo sa French-based na Les Trophées du libre award sa kategoryang 'Enterprise Management'. Ang Les Trophées du libre contest ang pinakamalaking international competition noon na nagbibigay ng gantimpala sa mga makabago at magandang Free Open Source Software. Inilarawan ang software bilang "pinakamagandang software na may malaking potensyal para sa kinabukasan". Ibinibigay ang award sa mga proyektong OSS para mas makilala ang mga iyon at maisulong ang mga layunin ng mga iyon.
badge_img
Noong 2008, isa ang LimeSurvey sa Top 10 finalists sa kategoryang 'Business application' sa kilalang SourceForge.net Community awards. Bagama't nanaig ang software package na OpenOffice.org, ipinagmamalaki naming maging isa sa 10 nangungunang application sa larangan ng negosyo na open source. Karaniwang nasa ika-100 puwesto ang LimeSurvey sa mahigit 200,000 Open Source software project sa sourceforge.net